Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
Ang Panginoon ay sumumpa ng kanyang kanang kamay, at ng bisig ng kanyang kalakasan: “Hindi ko na muling ibibigay ang iyong trigo upang maging pagkain ng mga kaaway mo, at ang mga dayuhan ay hindi iinom ng alak na pinagpagalan mo.
Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
Nangako ang Panginoon na gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Sinabi niya, “Hindi ko na ipapakain ang inyong mga trigo sa inyong mga dayuhang kaaway. Hindi na rin nila maiinom ang mga bagong katas ng ubas na inyong pinaghirapan.
Sumumpa si Yahweh at gagawin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan: “Hindi na ibibigay ang inyong ani upang kainin ng mga kaaway; hindi rin makakainom ang mga dayuhan, sa alak na inyong pinaghirapan.